My First Blog Post

BIBLE AND SCIENCE

“Science and Bible “

In Daniel 1:4 KJV “Children in whom was no blemish, but well favoured, and skilful in all wisdom, and cunning in knowledge, and understanding SCIENCE, and such as had ability in them to stand in the king’s palace, and whom they might teach the learning and the tongue of the Chaldeans.

Published by DR. ELY GUADALUPE

Who is Ely Guadalupe? I 'am a Christian Apologist

Join the Conversation

  1. DR. ELY GUADALUPE's avatar

9 Comments

  1. 👉 Ang pananalangin ba sa mga Banal at kay Maria ay utos ba ng Diyos :

    Ayon sa Banal na Kasulatan kanino ba dapat tayo manalangin:

    “Huwag kayong mangabalisa sa anomang bagay; kundi sa lahat ng mga bagay sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ipakilala ninyo ang inyong mga kahilingan sa Dios. — ( Filipos 4:6 )

    Maliwanag ang sagot ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng panalangin at daing na may pagpapasalamat ay ating ipakilala ang ating mga kahilingan sa Diyos.

    Kaya sa Diyos nauukol ang ating mga panalangin at hindi ito nauukol sa mga taong banal na matagal ng namatay o kay Maria.

    Bakit sa Diyos tayo marapat manalangin?

    “Ang mga mata ng Panginoon ay nakatitig sa mga matuwid, at ang kaniyang mga pakinig ay nakabukas sa kanilang daing. — ( Mga Awit 34:15 )

    Ang Diyos lang kasi ang may kakayahang makinig at makarinig ng lahat ng mga daing ng mga tao .

    “Narito, ang kamay ng Panginoon ay hindi umiksi, na di makapagligtas; ni hindi man mahina ang kaniyang pakinig, na di makarinig. — (Isaias 59:1 )

    Kaya walang dahilan na manalangin kapa sa mga banal o kay Maria dahil hindi naman mahina ang pakinig ng Diyos na hindi marinig ang lahat ng mga panalangin.

    👉 Ang tanong si Maria o ang mga banal may kakayahan na makarinig ng lahat ng mga panalangin?

    Tiyak “Hindi ”

    👉 Pangalawa si Maria ba at ang mga banal may kakayahan ba na ibigay o tugunan ang mga kahilingan o daing ng mga nanalangin?

    Tiyak hindi rin!

    Kasi may limitasyon o hangganan ang kanilang mga kakayahan wala silang kakayahang makarinig o makinig ng lahat ng mga daing ng mga tao sa boung mundo.

    Tanging ang Diyos lang ang makakagawa nito?

    “At walang anomang nilalang na hindi nahahayag sa kaniyang paningin: nguni’t ang lahat ng mga bagay ay hubad at hayag sa harapan ng mga mata niyaong ating pagsusulitan. — ( Hebreo 4:13 )

    Si Maria at ang mga Banal hindi ito makakarinig ng mga pananalangin at daing dahil matagal na silang mga patay?

    At ang mga patay ay wala na silang anomang bahagi pa magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.

    ” Sapagka’t nalalaman ng mga buhay, na sila’y mangamamatay: nguni’t hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan; sapagka’t ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.–
    ( Ecclesiastes 9:5-6 )

    Kaya anomang panalangin na gawin mo hindi kana nila maririnig sapagkat sila ay mga patay na.

    ———

    👉 Dahil patay na ang mga banal o maging si Maria mahigpit na ipinagbawal ng Diyos na sumangguni ka sa mga patay sapagkat ito ay karumaldumal sa paningin niya?

    “Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway, O enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay. Sapagka’t sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.— ( Deuteronomio 18:10-12 )

    ——

    ” At pagka kanilang sasabihin sa inyo, Hanapin ninyo silang nakikipagsanggunian sa masamang espiritu at mga manghuhula, na nagsisihuni at nagsisibulong; hindi ba marapat na sanggunian ng bayan ang kanilang Dios? dahil baga sa mga buhay ay sasangguni sila sa mga patay? — ( Isaias 8:19 )

    ——

    👉 Ang tanong ang mga banal ba makapagliligtas?

    “Bagaman ang tatlong lalaking ito, na si Noe, si Daniel at si Job, ay nangandoon, ang kanila lamang ililigtas ay ang kanilang sariling mga kaluluwa, sa pamamagitan ng kanilang katuwiran, sabi ng Panginoong Dios. — ( Ezekiel 14:14 )

    ——-

    👉 Ang Diyos ba may Kasangguni at pwedi ba diktahan ang Diyos?

    Sa katotohanan ang Diyos ay walang kasangguni na kaya dumikta o magsulsol sa kanya walang palakasan system sa Diyos kaya hindi mo kailangan ng padreno para marinig ng Diyos ang mga panalangin mo

    👉 “Sapagka’t sino ang nakaalam ng pagiisip ng Panginoon? o sino ang kaniyang naging kasangguni? — ( Roma 11:34 )

    👉 Narito, ang Dios ay gumagawa ng mainam sa kaniyang kapangyarihan: sinong tagapagturo ang gaya niya?Sinong nagguhit sa kaniya ng kaniyang daan? O sinong makapagsasabi, ikaw ay gumawa ng kalikuan?— ( Job 36-22-23 )

    👉 May makapagtuturo ba ng kaalaman sa Dios? Dangang kaniyang hinahatulan yaong nangasa mataas. — (Job 21:22 )

    Ano man ang kalooban ng Diyos walang tao na pwedi dumikta sa kanya para ito pigilin?

    👉 Kung siya’y dumaan at magsara, at tumawag sa kahatulan, sino ngang makapipigil sa kaniya? — ( Job 11:10 )

    👉 Oo, mula nang magkaroon ng araw ay ako nga; at walang sinomang makapagliligtas sa aking kamay: ako’y gagawa, at sinong pipigil? — ( Isaias 43:13 )

    👉 “At sa katapusan ng mga kaarawan, akong si Nabucodonosor ay nagtaas ng aking mga mata sa langit, at ang aking unawa ay nanumbalik sa akin, at aking pinuri ang Kataastaasan, at aking pinuri at pinarangalan ko siya na nabubuhay magpakailan man; sapagka’t ang kaniyang kapangyarihan ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kaniyang kaharian ay sa sali’t saling lahi;At ang lahat na mananahan sa lupa ay nabilang sa wala; at kaniyang ginagawa ang ayon sa kaniyang kalooban sa hukbo ng langit, at sa mga mananahan sa lupa; at walang makahahadlang sa kaniyang kamay, o makapagsasabi sa kaniya, Anong ginagawa mo?— (Daniel 4:34 -35 )

    ——

    👉Kaya wala sa kapangyarihan ng tao na diktahan ang Diyos kaya hindi totoo na susunod sa dikta ni Maria o sa dikta ng mga santo na ginawang padreno ang Diyos?

    Ganito ang sabi ng Banal na Kasulatan:

    ” Nguni’t, Oh tao, sino kang tumututol sa Dios? Sasabihin baga ng bagay na ginawa doon sa gumawa sa kaniya, Bakit mo ako ginawang ganito?O wala bagang kapangyarihan sa putik ang magpapalyok, upang gawin sa isa lamang limpak ang isang sisidlan sa ikapupuri, at ang isa’y sa ikahihiya.— ( Roma 9:20-21 )

    ———

    👉Ano ang tagubilin ng Diyos sa mga taong nag lalagak ng kaniyang tiwala sa mga pangulo o sa mga anak man ng tao.

    ” Huwag ninyong ilagak ang inyong tiwala sa mga pangulo, ni sa anak man ng tao, na walang pagsaklolo. — ( Mga Awit 146:3 )

    “Ganito ang sabi ng Panginoon: Sumpain ang tao na tumitiwala sa tao, at ginagawang laman ang kaniyang bisig, at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon. —
    ( Jeremias 17:5 )

    ———

    👉 Ang pananalangin sa harap ng mga imahen ng mga santo at santa o ni Maria :

    “Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng AYON SA ANYO NG TAO, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay…”At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang PINAGPAPATIRAPAAN at SINASAMBA, at DINADALANGINAN, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios. — ( Isaias 44:13,17 )

    Like

  2. 👉 Ngayon pag aralan natin kung totoo nga ba na “idolatriya “ang ginagawa ng mga Katoliko na pagsamba sa mga imahen at mga rebulto .

    Ano ba ang kahulugan ng salitang “idolatria”

    Idolatria ,shortened from L.l..Idolatria (Tertullian)from Greek “eidololatria “means “Worship” of Idol from “eidolon ” means “image” + latreia” means “Worship ,service

    Kaya ang tamang kahulugan ng “Idolatriya ay “Worship of Image “samadaling sabi ang “Idolatriya ” ito ay pagsamba sa Imahen”

    Ngayon sa Iglesia katolika ba ay Sinasamba ang mga Imahen ?

    “.Is the worship of the saints confined to their persons?”No ;it extends also to thier relics and IMAGES.”…””Ought we to worship holy images?””We should have ,partcularly in our churches ,images of Our lord,as also of the Blessed Virgin and saints..”
    — (A Catechisn of Christian Doctrine: #3 p.87, Q.13,15 )

    Ito naman ang nasa isa pang Aklat Katoliko na ang pamagat ay “The Commandments” sa pahina ,91

    “Why do we Worship the Images of the Heart of Jesus ?”We worship the image of the Heart of Jesus because his heart is the symbol of His Love for us.— ( The Commandment p.91,by St .Paul Publication )

    Ito naman ang sabi ng isang santong Katoliko na si Thomas Aquinas sa kanyang libro na may pamagat na “Summa Theolica ”

    “When one turn to an image ,He say in so far as it a thing-either a painting or a statue -it deserves the same reverence as Christ himself ,”since Christ is worshipped with humble veneration ,it follow that his image ,too, must be worshipped with (relatively) humble veneration.”— (Summa Theolica ,III, Q. 25, a. 3)

    Dito maliwanag na aral mismo sa iglesia katolika ang Pagsamba sa mga imahen.ayon sa kanilang mga aklat ay may inuukol.silang pagsamba sa kanilang mga santo at ang pag samba na ito ay tumatagos maging sa kanilang mga relikya at mga larawang inanyuan samakatuwid sa kanilang mga imahen at mga rebulto .

    Kaya sa mga ganyang mga gawain ay ating naiintindihan kung bakit ganon nalang ang maningas na pagpapahalaga ng mga Katoliko sa kanilang mga imahen sapagpagkat may pagsamba silang inuukol dito kung saan sa harap ng imahen ay naninikluhod sila at nanalangin at nag-aalay ng mga bulaklak at pinagtitirikan ng mga kandela ,at hinahalikan at ipinagproprosisyon sa paniwala na ang pagsamba sa kanilang mga kinikilang mga santo ay tumatagos maging sa mga rebulto at imahin nito.

    Kaya ang sabi ng Propeta Jeremias:

    “At nangyari sa walang kabuluhang niyang pagsamba sa larawang inanyuan na ang lupain ay nadumihan ,at silay sumasamba sa pamamagitan ng mga bato at ng mga kahoy.—(Jeremias 3:9)

    “At inyong nakita ang kanilang mga karumaldumal ,at ang kanilang mga IDOLO ,na kahoy at bato ,pilak at ginto na nasa gitna nila.(Deuteronomio 29:17)

    Ngayon mayroon dinadahilan o palusot ang mga Defensor Katoliko na ang sabi nila paano daw nahulog sa idolatriya ang kanilang pagsamba sa mga santo kung hindi naman nila kinikilala na diyos ang mga ito?

    Ang ganitong Pangatuwiran ay isang malabo at isang palusot na pangangatuwiran lamang sapagkat hindi kailangan na kilalanin mo na diyos ang isang bagay para ito ay mahulog sa idolatriya.

    Ang pagwasak na inutos ng Dios sa tansong ahas na ipinagawa niya kay Propeta Moses ay hindi nangangahulugan na sinamba ng mga anak ni Israel ang tansong ahas bilang diyos .( 2 Mga Hari 18:4 ) ,ang pagpatirapa ni Apostol Juan sa isang Anghel ng Panginoon ay hindi nangangahulugan na kinikilala ni Apostol Juan na ang Anghel ng Panginoon ay isang diyos bagkus ginawa niya ito bilang paggalang sa anghel pero sa tagpong siya’y nagpatirapa sa harap ng Anghel siya ay sinaway ng anghel kasi alam ng anghel na ito ay pagsamba at ang pagsamba ay inuukol lamang sa Dios.(Apocalipsis 19:10)

    Pangalawa ang katigasan ng ulo ay anyo ng pagsamba sa diosdiosan.(1Samuel 15:23) pero walang tao na matigas ang ulo ang magsasabi na matigas niyang ulo ay ang kanyang diyos na sinasamba

    Kaya hindi kailangan kilalanin mong dios ang isang bagay para ito matawag na idolatriya ang pag sunod sa masamang nasa gaya ng pakikiapid ,masasamang pita ng kasakiman ,at karumihan ay isang anyo ng Idolatriya.(Colosas 3:5)

    Kaya hindi lahat ng anyo ng idolatriya ay kikilala ka na diyos ang isang bagay kasi ang katigasan ng ulo ang pagsunod sa masamang nasa gaya ng pakikiapid ,masasamang pita ng kasakimaan at karumihan ay isang anyo ng pagsamba sa diosdiosan.

    “Datapuwat walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.(Makus 7:7)

    Sa ganito nahulog sa walang kabuluhang pagsamba ang Iglesia katolika na ang kanilang sinusunod at itinuturo ay pawang mga utos ng mga tao.

    At ang pagsamba sa larawang inanyuan ay pagsunod sa mga bagay na walang kabuluhan sapagkat ito ay mga gawang walang kabuluhan na kanilang mga larawang inanyuan ay hangin at kalituhan.

    “Ganito ang sabi ng Panginoon, Anong kalikuan ang nasumpungan ng inyong mga magulang sa akin, na sila’y nagsilayo sa akin, at nagsisunod sa walang kabuluhan, at naging walang kabuluhan?…”Ipinagpalit baga ng isang bansa ang kanilang mga dios, na hindi mga dios? nguni’t ipinagpalit ng aking bayan ang kanilang kaluwalhatian sa hindi pinakikinabangan.— ( Jeremias 2:5,11)

    “Narito, silang lahat, ang kanilang mga gawa ay walang kabuluhan at walang anoman ang kanilang mga larawang binubo ay hangin at kalituhan. — ( Isaias 41:29 )

    ——

    👉Pawang utos ng mga tao na sambahin si Maria at ang mga santo:

    “Mary is glorified more than Christ. “The Holy Church commands a worship peculiar to Mary” —- ( The Glories of Mary”
    Book by.St. Alphonsus Liguori : p.130)

    —–

    👉Utos ng mga tao na sambahin ang mga Imahen at ang mga rebulto:

    “Ought we to worship holy images?”
    “We should have ,partcularly in our churches ,images of Our lord,as also of the Blessed Virgin and saints..”— ( A Catechisn of Christian Doctrine: #3 p.87 ,Q. 15 )

    ——

    👉Utos ng mga tao na sambahin ang mga relikia ng mga santo:

    “Is the worship of the saints confined to their persons?”No ;it extends also to thier relics and IMAGES.”
    — (A Catechism of Christian Doctrine :#3,p.87,Q. 13 )

    ——-

    👉 Ngayon ano ang babala ng Panginoon sa mga gumagawa ng mga imahen at mga rebulto para ito ay sambahin ?

    Ganito ang nakasulat :

    “Silang nangagbibigay anyo sa larawang inanyuan ay walang kabuluhan silang lahat; at ang kanilang mga bagay na kinaluluguran ay hindi mapapakinabangan: at ang kanilang sariling mga saksi ay hindi nangakakakita, o nangakakaalam man: upang sila’y mangapahiya. — ( Isaias 44:9 )

    👉 May pakinabang ba ang pagsamba sa mga imahen at mga rebulto :

    “Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao’y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.— ( Habacuc 2:18- 19)

    Kaya wala pakinabang ang pagsamba sa mga imahen at mga rebulto sila ay mga piping diosdiosan na nagtuturo sa tao ng kabulaanan kaya pagsamba sa kanila ay pagka ligaw sa pagsamba sa tunay na Diyos.

    👉 Bakit walang pakinabang ang pagtitiwala sa kanila?

    “Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakaamoy;Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.Ang nagsisigawa sa kanila ay magiging gaya nila; Oo, bawa’t tumitiwala sa kanila.– ( Mga Awit 115:4-8 )

    ——

    “Sino ang naganyo sa isang dios, o bumubo ng larawang inanyuan na di pakikinabangan sa anoman? Narito, lahat niyang kasama ay mangapapahiya; at ang mga manggagawa ay sa mga tao: mapisan sila, magsitayo sila; sila’y mangatatakot, sila’y mangahihiyang magkakasama.Ang panday bakal ay gumagawa ng palakol, at gumagawa sa mga baga, at inaanyuan yaon sa pamamagitan ng mga pamukpok, at ginagawa yaon ng kaniyang malakas na bisig: oo, siya’y gutom, at ang kaniyang lakas ay nawawala; siya’y hindi umiinom ng tubig, at pata.Naguunat ang anluwagi ng isang pising panukat; kaniyang tinatandaan ng lapis; kaniyang inaanyuan sa pamamagitan ng mga katam, at kaniyang tinatandaan ng mga kompas, at inaanyuan ng ayon sa anyo ng tao, ayon sa kagandahan ng tao, upang tumahan sa bahay.Pumuputol siya sa ganang kaniya ng mga cedro, at kumukuha ng puno ng roble at ng encina, at pinatitibay sa ganang kaniyang sarili ang isa sa gitna ng mga punong kahoy sa gubat: siya’y nagtatanim ng puno ng abeto, at yao’y kinakandili ng ulan.Kung magkagayo’y ilalaan sa tao upang ipanggatong; at kumukuha siya niyaon, at nagpapainit; oo, kaniyang pinaliliyaban yaon, at ipinagluluto ng tinapay: oo, kaniyang ginagawang isang dios, at sinasamba; ginagawa niyang larawang inanyuan, at pinagpapatirapaan.Kaniyang iginagatong ang bahagi niyaon sa apoy; ang bahagi niyaon ay ikinakain niya ng karne; siya’y nagiihaw ng iihawin, at nabubusog: oo, siya’y nagpapainit, at nagsasabi, Aha, ako’y naiinitan, aking nakita ang apoy:At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios.Hindi sila mangakakaalam, o nagsisigunita man: sapagka’t ipinikit niya ang kanilang mga mata, upang sila’y huwag mangakakita; at ang kanilang mga puso, upang huwag silang mangakaunawa.At walang nagpapaalaala o mayroon mang kaalaman, o unawa upang magsabi, Aking iginatong ang bahagi niyaon sa apoy; oo, ako naman ay nagluto ng tinapay sa mga baga niyaon; ako’y nagihaw ng karne at kinain ko: at gagawin ko baga ang nalabi niyaon na pinaka kasuklamsuklam? magpapatirapa baga ako sa puno ng isang punong kahoy?Siya’y kumain ng abo: iniligaw siya ng nadayang puso, at hindi niya mailigtas ang kaniyang kaluluwa, o makapagsabi, Wala bagang kabulaanan sa aking kanang kamay?— ( Isaias 44:10-20 )

    —–

    👉 Ngayon nakakapagligtas ba itong mga imahen at mga rebulto na gawa sa pilak at ginto sa araw ng paghuhukom?

    Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan:

    “Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makapagliligtas sa kanila sa kaarawan ng kapootan ng Panginoon; kundi ang buong lupain ay masusupok sa pamamagitan ng apoy ng kaniyang paninibugho: sapagka’t wawakasan niya, oo, isang kakilakilabot na wakas, nilang lahat na nagsisitahan sa lupain. — ( Zefanias 1:18 )

    ——-

    👉 Bakit hindi marapat sambahin ang mga imahen at mga rebulto?

    “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan. — ( Isaias 42:8 )

    Maliwanag na hindi ibibigay ng Panginoon ang kanyang kaluwalhatian at kapurihan sa mga larawang inanyuan gaya ng mga imahen o ng mga rebulto.

    Ngayon Ano ba marapat maging pananaw ng lingkod ng Diyos sa pagkilala sa Diyos?

    Ito ang ating mababasa :

    “Yamang tayo nga’y lahi ng Dios, ay hindi marapat nating isipin na ang pagka Dios ay katulad ng ginto, o ng pilak, o ng bato, na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao. —
    ( Mga Gawa 17:29 )

    ——-

    👉 Ngayon may utos ba na gawan natin ng imahen o rebulto ang Diyos ?

    “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka’t wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy: Baka kayo’y mangagpakasama, at kayo’y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae, Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid, Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa: At baka iyong itingin ang iyong mga mata sa langit, at kung iyong makita ang araw at ang buwan, at ang mga bituin, sangpu ng buong natatanaw sa langit, ay mabuyo ka at iyong sambahin, at paglingkuran, na binahagi ng Panginoon ninyong Dios sa lahat ng mga bayan na nasa silong ng buong langit.— ( Deuteronomio 4:15-19 )

    Mahigpit na ipinagbabawal ng Diyos na gawan mo siya ng larawan o rebulto na kawangis ng anomang larawan na kahawagig ng lalake o babae ,na kahawig ng anomang hayop sa lupa o kahawig ng anomang ibon na may pakpak o kahawig ng anomang anomang bagay na umuusad sa lupa o kahawig ng anomang isda na nasa ilalim ng tubig sa lupa huwag ka maglingkod o magpatirapa man sa mga ito sapagkat ang Panginoon nating Diyos ay mapanibughuing Diyos.

    “Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa: Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin;– ( Exodus 20:4 – 5 )

    “Huwag kayong gagawa para sa inyo ng mga diosdiosan, ni magtatayo kayo ng larawang inanyuan o haligi, ni huwag kayong maglalagay ng batong inanyuan sa inyong lupain, upang inyong yukuran yaon: sapagka’t ako ang Panginoon ninyong Dios. — ( Leviticus 26:1 )

    ———

    👉 Ano sasapitin ng mga taong sumasamba sa larawang inanyuan gaya ng mga imahen at mga rebulto?

    “At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.– ( Galacia 5:19-21 )

    Nguni’t sa mga duwag, at sa mga hindi mananampalataya, at sa mga kasuklamsuklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga manggagaway, at sa mga mapagsamba sa diosdiosan, at sa lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa dagatdagatang nagniningas sa apoy at asupre; na siyang ikalawang kamatayan. — ( Apocalipsis 21:8 )

    Hindi magmamana ng Kaharian ng Diyos ang mga tao na sumasamba sa diosdiosan kundi ang kanilang bahagi ay ang dagatdagatang nsgniningas sa apog at asupre na siyang ikalawang kamatayan kaya dagatdagatang nagniningas na apoy ang sasapitin ng mga taong sumasamba sa mga imahen at mga rebulto.

    Kaya hindi maikakaila na pagsamba sa mga imahen ang ginagawa ng mga Katoliko at ito ay karumaldumal sa harap ng ating Panginoong Diyos na ipagkatiwala mo ang iyong pag asa sa isang larawan inanyuan na gawa sa pilak at ginto o sa bato at kahoy at ito ay anyo ng Idolatriya !

    Purihin ang Diyos !

    Like

  3. 👉 REBULTO AT IMAHEN NG KATOLIKO PASADO SA PAGIGING DIOSDIOSAN

    Pasado ba sa Pagiging Diosdiosan ang mga rebulto at Imahen ng Iglesia Katolika?

    Ito ngayon ang ating pagusapan sa awa at tulong ng Dios hindi lingid sa ating mga kababayan na ang iglesia katolika ay may iiniingatan na mga larawang inanyuan na kung saan may marubdob silang pagpapahalaga sa mga ito.Bakit natin nasasabi na ang paglilingkod at mataas na debosyon ng iglesia katolika sa mga Imahen at mga rebulto na kumakatawan sa kanilang tinatawag na “mga santo” ay isang anyo ng pagsamba sa diosdiosan .

    Una Inaamin mismo ng Iglesia katolika na ang mga katoliko ay pinapasamba sa mga tinatawag nilang mga santo o santa.

    “What is SAINT?”A saint …is a one who is in heaven ,and has been presented by the church for the PUBLIC WORSHIP of the faithful…”
    Is the WORSHIP OF THE SAINTS confined to thier persons?””No ,it extends also to their RELICS and IMAGES”—- ( A Catchism of Christian Doctrine: #3 ,p.86- 87, Q. 10,13)

    Ano daw ang mga santo?
    ito ang mga tao na nasa langit na at ipinapakilala sila para sa isang pangmadla pagsamba ng mga tapat na katoliko at ang pagsamba sa kanila hindi lamang nauukol sa kanilang pagka tao kundi dumudugtong din ang pagsamba sa kanila sa kanilang mga relikya ito ang mga kagamitan na ginamit ng mga santo nung buhay pa sila sa lupa at maging sa kanilang mga imahen.

    Ngayon alam na natin na pinasasamba ang “mga santo “sa iglesia katolika ?

    Ang tanung natin sino ba ang marapat na sambahin?

    Ito ang sagot ng Banal na Kasulatan:

    ” Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at magsiyukod; tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. — ( Mga Awit 95:6 )

    Sino ang dapat sambahin maliwanag ang sagot ng Banal na kasulatan tayo ay sasamba sa Panginoon na may lalang sa atin.

    Ano ang patunay na Panginoon tayo dapat sumamba at siya lamang ang ating paglingkuran ito ang patotoo ng ating Panginoon:

    “Nang magkagayo’y sinabi sa kaniya ni Jesus,Humayo ka satanas :sapagkat nasusulat sa PANGINOON mong DIOS sasamba ka,at siya Lamang ang iyong PAGLINGKURAN.(Mateo 4:10 )

    Kaya sa Diyos tayo dapat sasamba at hindi sa mga santo o kay Maria o sa mga imahen o mga rebulto nila.

    Ano sabi ng Banal na Kasulatan ukol sa pagsamba sa nilalang?

    “Sapagka’t kahit kilala nila ang Dios, siya’y hindi niluwalhati nilang tulad sa Dios, ni pinasalamatan; kundi bagkus niwalang kabuluhan sa kanilang mga pagmamatuwid at ang mangmang nilang puso ay pinapagdilim. Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang,At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang…” Sapagka’t pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila’y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.— (Roma 1:21-23)

    Ano ang ginawa ng Iglesia Katolika pinalitan nila ang Katotohanan ng Diyos ng kasinungalingan at sila’y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa lumalang pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira .Kaya larawan ng tao na nasisira ang sinamba at pinaglingkuran ng Iglesia Katolika at inutos na sambahin sa isang pangmadlang pagsamba.

    “Naguunat ang aluwagi ng isang pising panukat kaniyang tinandaan ng lapis ,kaniyang INANYUAN sa pamamagitan ng katam,at kaniyang tinandaan ng mga kompas at INAANYUAN ng ayon sa ANYO NG TAO ayon sa KAGANDAHAN ng TAO ,upang tumahan sa bahay.— (Isaias 44:13)

    ——

    “Kinuha mo naman ang iyong mga magandang hiyas na ginto at pilak na aking ibinigay sa iyo at ginawa mo sa iyo ng mga LARAWAN NG MGA TAO ,at iyong ipinagpatututot.—- (Ezekiel 16:17)

    —–

    Diba totoo naman ito na pinupugay at pinaparangalan sa loob ng simbahang Katoliko para sa isang pang madlang pagsamba ay ang mga larawan ng mga tao na tinatawag nilang mga santo o santa o di kaya larawan ni Maria.

    👉 Ngayon anong uri ng larawan ng tao ito ang kanilang sinamba at pinaglingkuran?

    Basa:

    “Baka kayo’y mangagpakasama, at kayo’y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae,— ( Deuteronomio 4:16 )

    Anong uri ng larawan ng tao ! Aba larawang inanyuan na kahawig ng lalake at babae ,tignan niyo ano mga imahen o rebulto ang ating makikita sa loob ng Simbahang Katoliko diba mga larawan ng tao na nasisira na tinatawag nilang mga santo at mga santa at imahen ni Maria .

    ——–

    Ang tanong mga diyos ba itong mga santo at santa na sinasamba sa Iglesia Katolika ?

    “Gayon man nang panahong yaon, sa hindi ninyo pagkakilala sa Dios, kayo’y nasa pagkaalipin ng sa katutubo ay hindi mga dios: — ( Galacia 4:8 )

    Hindi naman pala mga dios sa katutubo ang mga ito pero pinasasamba ng Iglesia Katolika sa mga tapat na katoliko.

    Gaano ba ito karami?

    “Nguni’t saan nandoon ang iyong mga dios na iyong ginawa para sa iyo? magsibangon sila, kung sila’y makapagliligtas sa iyo sa panahon ng iyong kabagabagan: sapagka’t ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang iyong mga dios, Oh Juda. — ( Jeremias 2:28 )

    Ayon kay Propeta Jeremias ayon sa bilang ng iyong mga bayan ay gayon ang dami ng kanilang mga dios kaya hindi nakapagtataka na sa bawat bayan o nasa bawat bansa may patron na santa o santo na inilalagay ang Iglesia Katolika.

    Dito lang sa pilipinas halos lahat ng bayan may patron na santo at santa na ipinagdiriwang ang kanilang mga kapistahan.

    ———-

    Ngayon Ano ang pagkahahalintulad ng mga diosdiosan ng mga pagano sa mga imahen at mga rebulto ng Iglesia Katolika?

    👉 Una ang isang diosdiosan ay isang larawang inanyuan:

    “Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.— ( Isaias 42:8 )

    Ang mga Imahen at rebulto ba ng Iglesia Katolika larawang inanyuan aba pasuk na pasuk ang mga ito sa diosdiosan.

    ———-

    👉 Ang mga diosdiosan ay larawang inanyuan na gawa ng kamay at katalinuhan ng tao :

    “Ang kanilang mga diosdiosan ay pilak at ginto, yari ng mga kamay ng mga tao.– ( Mga Awit 115:4 )

    Ang tanong ang mga imahen at mga rebulto ng Iglesia Katolika gawa ba ng mga kamay ng tao siguro payag kayo gawa nga ang mga ito ng mga kamay ng tao kaya pasok na pasok sa pagiging diosdiosan.

    ————-

    👉 Ang isang diosdiosan ay isang larawang inanyuan na niyuyukuran at pinaglilingkuran:

    “Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; — ( Exudo 20:5 )

    Ang ang Imahen o ang mga rebulto ba ng Iglesia Katolika niyuyukuran at pinaglilingkuran pasok na pasok ito sa pagiging diosdiosan makikita naman natin na ang mga katoliko ay yumuyukod at naglilingkod sa kanilang mga imahen at mga rebulto.

    At ang pagyukod ay isang anyo ng pagsamba:

    “Oh magsiparito kayo, tayo’y magsisamba at MAGSIYUKOD magsiyukod; tayo’y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin. — ( Mga Awit 95:6 )

    ————-

    👉 Ang isang diosdiosan ito ay larawang inanyuan na dinadalanginan :

    “At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios. — (Isaias 44:17)

    Oh diba humaharap ang isang Katoliko sa harap ng imahen o rebulto at dinadalanginan niya ito pasok na pasok sa pagiging diosdiosan.

    ———–

    👉 Ang diosdiosan ay larawang inanyuan na ginagayakan o binibihisan:

    “Sapagka’t ang mga kaugalian ng mga bayan ay walang kabuluhan: sapagka’t may pumuputol ng punong kahoy sa gubat, na siyang gawa ng mga kamay ng manggagawa sa pamamagitan ng palakol.”Kanilang ginagayakan ng pilak at ng ginto; kanilang ikinakapit ng mga pako at ng mga pamukpok, upang huwag makilos..”Kundi sila’y pawang tampalasan at hangal turo ng mga dios-diosan, yao’y kahoy lamang.May pilak na pinukpok na dinala rito mula sa Tarsis, at ginto mula sa Uphaz, na gawa ng manggagawa at ng mga kamay ng panday; azul at kulay ube ang kanilang damit; gawang lahat ng mga bihasang manggagawa.— ( Jeremias 10:3-4,8-9 )

    Diba binibihisan at ginagayakan ang mga imahen at ang mga rebulto sa Iglesia Katolika pasok pa rin sa pagiging diosdiosan.

    ————–

    👉 Ang diosdiosan larawang inanyuan na pinapasan:

    “Sila’y gaya ng puno ng palma, na binilog, at hindi nagsasalita: kinakailangang pasanin, sapagka’t hindi makalakad. Huwag ninyong katakutan ang mga yaon, sapagka’t hindi makagagawa ng kasamaan, ni wala ring magagawang mabuti.— ( Jeremias 10:5 )

    Pinapasan nila siya sa balikat, dinadala nila siya, at inilalagay siya sa kaniyang dako, at siya’y nakatayo; mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos: oo, may dadaing sa kaniya, gayon ma’y hindi siya makasasagot, o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kabagabagan. — ( Isaias 46:7 )

    Diba Pinapasan at pinuproprosisyon ang mga Imahen at rebulto sa Iglesia Katolika pasok pa rin sa pagiging diosdiosan.

    ————-

    👉 Ang isang diosdiosan ay larawang inanyuan na may bibig hindi nagsasalita ,may tainga nhunit hindi nangakakarinig ,mayroon pang ilong pero hindi nangakakaamoy ,mayroon silang kamay pero hindi sila nangakakatangan ,may mga paa mayroon sila ngunit hindi nangakalalakad:

    “Sila’y may mga bibig, nguni’t sila’y hindi nangagsasalita; mga mata’y mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakakita;Sila’y may mga tainga, nguni’t hindi sila nangakakarinig; mga ilong ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakakaamoy;Mayroon silang mga kamay, nguni’t hindi sila nangakatatangan; mga paa ay mayroon sila, nguni’t hindi sila nangakalalakad; ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.— ( Mga Awit 115:5-7)

    Ganito rin ba ang mga imahen at rebulto ng Iglesia Katolika kaya pasok sa pagiging diosdiosan .

    ————-

    👉 Ang diosdiosan ay larawang inanyuan na yari sa pilak,ginto ,tanso ,bakal ,kahoy at bato:

    Kundi ikaw ay nagpakataas laban sa Panginoon ng langit; at kanilang dinala ang mga kasangkapan ng kaniyang bahay sa harap mo, at ikaw, at ang iyong mga mahal na tao, ang iyong mga asawa at ang iyong mga babae, ay nagsiinom ng alak sa mga yaon; at iyong pinuri ang mga dios na pilak, at ginto, tanso, bakal, kahoy at bato, na hindi nangakakakita, o nangakakarinig man, o nakakaalam man; at ang Dios na kinaroroonan ng iyong hininga, at kinaroroonan ng lahat na iyong lakad, hindi mo niluwalhati. — ( Daniel 5:23 )

    Ang mga imahen at mga rebulto ba ng mga katoliko yari din ba sa pilak at ginto ,tanso ,bakal ,kahoy at bato pasok na pasok sa pagiging diosdiosan

    ——-/——

    Ngayon Ano ang sabi ng Banal na Kasulatan sa mga imahen at rebulto na sinasamba ng Iglesia Katolika :

    Natutuwa ba ang Diyos sa ginagawa nila!

    “Sapagkat minungkahi nila siya sa galit ng kanilang mga mataas na dako,at kinilos nila siya sa panibugho at kanilang mga larawang inanyuan.( Mga Awit 78:58 )

    Sumpain ang mga taong gumagawa ng inahen at rebulto para ito ay sambahin at paglingkuran:

    ” Sumpain ang taong gumagawa ng LARAWANG Inanyuan o binubo bagay na karumaldumal sa Panginoon ,na gawa ng mga kamay ng manggagawa ,at inilalagay sa dakong lihim…”—- (Deuteronomio 27:15)

    Like

  4. 👉 Una alamin natin na ang Dios ay espiritu at .hinahahanap ng Dios na ang mga tunay na Mananamba sa kanya ay mananamba sa espiritu at sa katotohanan sapagkat ang Dios ay espiritu.

    “Datapuwa’t dumarating ang oras, at ngayon nga, na sasambahin ng mga tunay na mananamba ang Ama sa espiritu at katotohanan: sapagka’t hinahanap ng Ama ang mga gayon na maging mananamba sa kaniya.Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan. — (Juan 4:23-24 )

    A t ayon sa ating Panginoong Jesu cristo ang espiritu ay walang laman at mga buto.(Lukas 24:38-39) At hindi natin siya pwedi itulad o Igapay sa isang larawang inanyuan na gawa sa mga pilak o ginto.

    “Huwag kayong gagawa ng ibang mga dios NA IAAGAPAY SA AKIN ; ng mga dios na pilak, o ng mga dios na ginto, huwag kayong gagawa para sa inyo. — ( Exodus 20:23 )

    At hindi marapat isipin na ang pagka Diyod ay katulad ng ginto ,o ng pilak ,o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao

    “Yamang tayo ngsa’y lahi ng Dios ,ay hindi marapat nating isipin na ang PAGKA DIOS ay katulad ng ginto ,o ng pilak ,o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao.( Mga Gawa 17:29)

    Dito makikita natin hindi talaga pumapayag ang Diyos na na iagapay siya sa isang larawang inanyuan o isipin man lang natin na siya ay katulad ng ginto ,o ng pilak ,o ng bato na inukit ng kabihasnan at katalinuhan ng tao at ay mahigpit na pinagbawal ng Panginoon nating Dios.sapagkat siya walang katulad o kagaya.

    “Kaya’t ikaw ay dakila, Oh Panginoong Dios: sapagka’t walang gaya mo, o may ibang Dios pa bukod sa iyo, ayon sa lahat na aming naririnig ng aming mga pakinig. — ( 2 Samuel 7:22)

    At hindi niya ibibigay ang kanyang Kaluwalhatian at ang kanyang kapurihan sa isang larawang Inanyuan:

    “Ako ang Panginoon ;na siya kung aking pangalan ;at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay sa iba,o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.— (Isaias 42:8 )

    “Dahil din sa akin, dahil din sa akin, aking gagawin yaon; sapagka’t, bakit lalapastanganin ang aking pangalan? at ang kaluwalhatian ko ay hindi ko ibinigay sa iba. — ( Isaias 48:11 )

    ——–

    Kaya walang bahagi ang larawang inanyuan sa kaluwalhatian at kapurihan ng Dios kasi ayon mismo sa Dios hindi nya ibibigay ang kanyang Kaluwalhatian at kapurihan sa isang larawang inanyuan.

    Ngayon pumapayag ba ang Dios na purihin siya at dakilain ng mga tao sa pamamagitan ng pag-gawa ng larawang inayuan?

    “At inalis ng boung bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga at dinala kay Aaron .at kaniyang tinangggap sa kanilang kamay ,at niyari sa pamamagitan ng isang buril ,at ginawang isang guya binubo ,at kanilang sinabi,at ang mga ito ang maging inyong mga dios ,Oh Israel ,na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng egipto.at nang makita ito ni Aaron ,ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon:itinanyag ni Aaron at sinabi ,Bukas ay PISTA SA PANGINOON (Yhwh).at silay bumangong maaga nang kinabukasan ,at nangaghandog ng mga handog na susunugin ,at nangagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan ;at mga bayan ay umupong kumain at uminom at tumindig upang magkatuwa.— (Exudos 32:3-6)

    Ang Bayang Israel ay gumawa ng larawang inanyuan sa anyo ng isang guya na binubo ginawa nila ito upang naging represintasyon ng Panginoon itong larawang guya at kanilang ipinag pista ang Panginoon.

    Pero natuwa ba ang Diyos sa ginawa nilang larawang guya na represintasyon ng Diyos?

    Hindi po ?

    Bagkus ang Panginoong Diyos ay napoot sa ginawa nila:

    “At sinabi ng Panginoon kay Moises, Aking nakita ang bayang ito, at, narito, isang bayang may matigas na ulo; Ngayo’y bayaan mo nga ako upang ang aking pagiinit ay magalab laban sa kanila, at upang aking lipulin sila: at ikaw ay aking gagawing dakilang bansa.— ( Exodus 32:9 -10)

    Hindi natuwa ang Panginon na ginawan siya ng larawan inanyuan at ipinag pista ng Bayang Israel.

    —–

    Sapagkat mahigpit ito na ipinagbabawal ng Panginoon na gawan siya ng larawan:

    “Huwag kang gagawa para sa iyo ng larawang inanyuan o ng kawangis man ng anomang anyong nasa itaas sa langit, o ng nasa ibaba sa lupa, o ng nasa tubig sa ilalim ng lupa:Huwag mong yuyukuran sila, o paglingkuran man sila; sapagka’t akong Panginoon mong Dios, ay Dios na mapanibughuin, na aking dinadalaw ang katampalasanan ng mga magulang sa mga anak, hanggang sa ikatlo at ikaapat na salin ng lahi ng mga napopoot sa akin; — ( Exodus 20:4- 5 )

    Kaya ang pagkakaroon ng mga larawang inanyuan katulad ng mga imahen at mga rebulto ay hindi katanggaptanggap sa Panginoon at mga ganitong mga gawa ay karumaldumal sa kanya sapagkat hindi mo siya pwedi gawan ng represintasyon na iaagapay mo sa kanyang pagka Diyos sapagkat siya ay Diyos na mapanibughuin at hindi niya ibibigay ang kanyang kaluwalhatian at kanyang kapurihan sa larawang inanyuan.

    Kaya ito ang sabi ng Panginoon sa mga tao na gumagawa ng mga imahen o mga rebulto na yari sa pilak at ginto?

    “Ang kanilang mga dios ay pilak at ginto yari ng mga kamay ng mga tao .silay may mga bibig ,ngunit sila’y hindi nangagsasalita ;mga mata ‘y mayroon sila ,ngunit hindi nangakakakita ;silay may mga tainga ,ngunit hindi sila nangakakarinig ;mga ilong ay mayroon sila ngunit hindi sila nangakaamy ;mayroon silang mga kamay ngunit hindi sila nangakakatangan ;mga paa ay mayroon silangunit hindi sila nangakakalakad ni nangagsasalita man sila sa kanilang ngalangala.ang nagsigawa sa kanila ay magiging gaya nila ;oo bawat tumitiwala sa kanila.— ( Mga Awit 115:4-7)

    —–

    Ang mga katulad nila ay mga nangagmamarunong ngunit naging mga mangmang dahil kanilang pinalitan ang kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira ng isang katulad ng larawan ng tao na nangasisira at ng mga larawan ng ibon ,at ng mga hayop na may apat na paa at ng mga larawan ng mga nagsisigapang sapagkat pinalitan nila ang katotohanan ng Diyos ng kasinungalingan ng diablo at sila ay nagsisisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang .

    “Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang ,At pinalitan nilaang kaluwalhatian ng Dios ,na hindi nasisira ,ng isang tulad ng larawang ng tao na nangasisira ,at ng mga ibon ,at ng mga hayop na may apat na paa, ng mga nagsisigapang ….sapagkat pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan ,at silay nagsisisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa lumalang ,na siyang pinupuri magpakailan man siya nawa..— (Roma 1:22-25)

    👉 Saan ito natupad?

    Ang kinatuparan nito ay ang Iglesia Katolika na gumawa ng mga larawang inanyuan na katulad ng sa wangis ng larawan ng tao na nasisira at inaagapay sa mga larawang ito ay ang larawan ng wangis ng mga ibon ang imahen ng our lady of Peace ang inagapay ay larawan ng kalapati ,ang imahen ni San Pedro larawan naman ng manok ang inaagapay ,ang imahen ni santa Ana larawan naman ng buwaya anv inagapay ,ang imahen ni San Joaquin ang inagapay naman na larawan ay aso ,ang imahen ni Santiago ang inagapay naman ay nakasakay siya sa Kabayo at ang imahen ni San Isidro labrador ang inagapay naman ay kalabaw, at ang larawan ng Immaculada Conception larawan naman ng ahas ang inagapay.

    ——-

    👉 Ngayon paano ba sinasamba ang Diyos sa espiritu at sa katotohanan:

    Una ano ba ang katangian ng espiritu?

    Ang katangian ng espiritu wala itong laman at mga buto:

    “Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka’t ang isang espiritu’y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.— ( Lukas 24:39)

    Ibig sabihin ang espiritu ay walang physical na kaanyuan at itinulad ito sa hangin :

    “At sinasabi niya tungkol sa mga anghel, Yaong ginagawang mga anghel niya ang mga hangin, At ang kaniyang mga ministro ay ningas ng apoy:…”Hindi baga silang lahat ay mga espiritung tagapaglingkod…” — ( Hebreo 1:7,14 )

    Alin naman ang Katotohanan?

    ” At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios at ang iyong mga salita ay katotohanan, …” — ( 2 Samuel 7:28 )

    Alin ang Katotohanan ang mga salita ng Diyos? Ngayon ano ang sinasabi ng mga salita ng Diyos:

    Ito ang Salita ng Diyos:

    “Ingatan nga ninyong mabuti ang inyong sarili; sapagka’t wala kayong nakitang anomang anyo nang araw na magsalita ang Panginoon sa inyo sa Horeb mula sa gitna ng apoy: Baka kayo’y mangagpakasama, at kayo’y gumawa sa inyo ng isang larawang inanyuan na kawangis ng alin mang larawan, na kahawig ng lalake o babae,Na kahawig ng anomang hayop na nasa lupa, na kahawig ng anomang ibong may pakpak na lumilipad sa himpapawid,Na kahawig ng anomang bagay na umuusad sa lupa, na kahawig ng anomang isda na nasa tubig sa ilalim ng lupa:– ( Deuteronomio 4:15-18 )

    ———

    “Kanino ninyo ako itutulad ,at ipaparis ,at iwawangis ako,upang kami ay magkagaya?silay dumudukot ng maraming ginto sa supot at tumitimbang ng pilak sa timbangan ,silay nagsisiupa ng panday ginto ,at kaniyang ginagawang dios,silay nangagpapatirapa,oo silay nagsisisamba.pinapasan nila siya sa balikat dinadala nila siya ,at inilalagay siya sa kaniyang dako,at siya’y nakatayo ,mula sa kaniyang dako ay hindi siya makikilos ,oo may dadaing sa kaniya gayon may hindi siya makakasagot ,o makapagliligtas man sa kaniya sa kaniyang kahibangan.—(Isaias 46:5-7)

    ——-

    “Anong napapakinabang ng larawang inanyuan na yao’y inanyuan ng manggagawa niyaon; ng binubong larawan, na tagapagturo ng mga kasinungalingan, na tinitiwalaan ng nagaanyo sa kaniya, na gumawa ng mga piping diosdiosan?Sa aba niya na nagsasabi sa kahoy, Gumising ka; sa piping bato, Bumangon ka! Magtuturo baga ito? Narito, nababalot ng ginto at pilak, at walang hinga sa loob niyaon.–
    ( Habacuc 2:18-19 ).

    —–

    👉 Ngayon paano ba pinag uukulan ng mga Katoliko ng debosyon ang kanilang mga imahen at mga rebulto?

    “At ang labis niyaon ay ginagawa niyang dios, sa makatuwid baga’y kaniyang larawang inanyuan: kaniyang pinagpapatirapaan at sinasamba, at dinadalanginan, at nagsasabi, Iligtas mo ako; sapagka’t ikaw ay aking dios. —
    ( Isaias 44:17 )

    Dinadadalanginan ito ng mga Katoliko at pinagpapatirapaan at sinasamba.

    Anopa’t kanilang sinabi :

    “Na nangagsasabi sa kahoy Ikaw ay aking AMA;at sa bato ,iyong ipinanganak ako;sapagkat kanilang ipinihit ang kanilang likod sa akin ,at hindi ang kanilang mukha ,ngunit sa panahon ng kanilang kabagabagan ay sasabihin nila Ikaw ay bumangon ,at iligtas mo kami.— (Jeremias 2:27 )

    Ano ang tawag ng mga Katoliko sa kahoy nilang mga imahen tinatawag nila itong PAPA JESUS at sa mga bato nilang mga rebulto na nanganganak sa kanila tinatawag nila itong MAMA MARY ! Ipinaglihi kasi at pinanganak ng bato ang mga Katoliko sa kasalanan at inanyuan sa kasamaan ni MAMA MARY NA BATO!

    “Narito, ako’y inanyuan sa kasamaan; at sa kasalanan ay ipinaglihi ako ng aking ina, —
    ( Mga Awit 51: 5 )

    Like

  5. “At ngayo’y nangagkasala sila ng higit at higit, at nagsigawa sila ng mga larawang binubo sa kanilang pilak, mga diosdiosan na ayon sa kanilang unawa, lahat ng yaon ay gawa ng manggagawa: sinasabi nila tungkol sa mga yaon; Magsihalik sa MGA GUYA ang mga tao na nangaghahain.—(Hoseas 13:2)

    ——

    At sinabi ni Aaron sa kanila, Alisin ninyo ang mga hikaw na ginto, na nasa tainga ng inyo-inyong asawa, ng inyong mga anak na lalake, at babae, at dalhin ninyo sa akin. At inalis ng buong bayan ang mga hikaw na ginto na nangasa kanilang mga tainga, at dinala kay Aaron. At kaniyang tinanggap sa kanilang kamay, at niyari sa pamamagitan ng isang buril, at ginawang ISANG GUYANG BINUBO, at kanilang sinabi, Ang mga ito ang maging iyong mga dios, Oh Israel, na nagsampa sa iyo mula sa lupain ng Egipto. At nang makita ito ni Aaron, ay nagtayo siya ng isang dambana sa harapan niyaon: at itinanyag ni Aaron at sinabi, Bukas ay pista sa Panginoon. At sila’y bumangong maaga nang kinabukasan, at naghandog ng mga handog na susunugin, at nagdala ng mga handog tungkol sa kapayapaan; at ang bayan ay umupong kumain at uminom, at tumindig upang magkatuwa.— ( Exodus 32:2- 6 )

    Like

  6. 👉 Ang imahen ni Satanas sa Iglesia Katolika

    Pwedi ba pag lumuhod ka sa imahen ni San Miguel Arkanghel ay paalisin mo muna si satanas sa ilalim ng kanyang mga paa.

    Kaya paglumuhod ka sa harap ng imahen ni San Miguel Arkanghel ay maluluhuran mo rin ang imahen ni satanas .

    Ganun din pag lumuhod ka sa harap ng imahen ng Immaculada Conception maluluhuran mo rin ang imahen ni satanas na nasa ilalim ng ng mga paa ng imahen ng Immaculada na ito nasa larawan ng ahas.

    ” Kanilang inihain sa mga demonio, na hindi Dios, Sa mga dios na hindi nila nakilala, Sa mga bagong dios, na kalilitaw pa lamang, Na hindi kinatakutan ng inyong mga magulang. —
    ( Deuteronomio 32:17 )

    Like

  7. 👉 Imahen ng Diyos ng mga Katoliko na panot at tumanda?

    Pinalitan kasi nila ang Katotohanan ng Diyos ng Kasinungalingan pinalitan nila ang Kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira ng larawan ng tao na nasisira.

    ” At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang. — ( Roma 1:23 )

    Ito ay maliwanag na pag lapastangan o panlalait sa Diyos na ang Diyos ay napanot at tumanda.

    “Sapagka’t ang pangalan ng Dios ay nalalait ng mga Gentil dahil sa iyo, gaya ng nasusulat. — ( Roma 2:24 )

    Like

  8. 👉 Ang mga tunay na banal ng naghangad ba ng pagpaparangal o pagsamba?

    Ito ang sabi ng Apostol Pablo :

    “Na ayon sa nasusulat, ang nagmamapuri, ay magmapuri sa Panginoon. — (1 Corinto 1:31)

    Kaya sa Dios ang lahat ng kapurihan upang ang sinomang tao ay huwag magmapuri.

    “Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinoman ay huwag magmapuri.— (Efeso 2:9)

    Ngayon pinalitan ito ng Iglesia Katolika sapagkat kanilang ibinigay ang kapurihan sa tao na ginawa nilang mga santo at sinamba !

    —-

    👉 “What is SAINT?”A saint …is a one who is in heaven ,and has been presented by the church for the PUBLIC WORSHIP of the faithful.
    — ( A Catchism of Christian Doctrine:Number 3, p. 86-87 ,Q.10 )

    👉 “”The WORSHIP paid to the saints and angels ,to the Mother of God ,and to christ himself ,finally rebounds to the honor of the Blessed Trinity.”
    — ( Divinum Illud Munos (Encyclical of Pope Leo XIII on the Holy Spirit)on st. Peter In Rome ,on the 9th ,May 1897 ,20th year of pontificate)

    ——

    At ito ay matagal ng Binabala ng Apostol Pablo na pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Diyos na hindi nasisira ng larawan ng tao na nasisira at nangaglingkod sila sa nilalang kay sa Lumalang na siyang pinupuri magpakailanman.

    “Ang mga nangagmamarunong ay naging mga mangmang, At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng LARAWAN NG TAO na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang…”Sapagka’t pinalitan nila ang katotohanan ng Dios ng kasinungalingan, at sila’y nagsisamba at nangaglingkod sa nilalang kay sa Lumalang, na siyang pinupuri magpakailan man. Siya nawa.– ( Roma 1:22-23,25 )

    —–

    Ang mga tunay na mga santo ay mga alipin lamang na gumaganap ng kanilang katungkulan sa Dios.

    ” Gayon din naman kayo, pagka nangagawa na ninyo ang lahat ng mga bagay na sa inyo’y iniutos, inyong sabihin, Mga aliping walang kabuluhan kami; ginawa namin ang katungkulan naming gawin. — ( Lukas 17:10 )

    At ang alipin ay hindi dakila sa kanyang Panginoon —(Juan 13:16) Kung paano ang tao ay hindi ganap kay sa Dios na lumikha sa kanya ?

    “Paano ngang makapagiging ganap ang tao sa Dios? O paanong magiging malinis siya na ipinanganak ng isang babae. — ( Job 25:4 )

    —–

    “Magiging ganap pa ba ang taong may kamatayan kay sa Dios? Lilinis pa ba kaya ang tao kay sa Maylalang sa kaniya? — ( Job 4:17 )

    Ang tao hindi marapat sinasamba sapagkat wala naman ito sa kalagayan ng Diyos:

    Kaya ang sabi ng Lingkod ng Diyos na si Jose –

    “At sinabi ni Jose sa kanila, Huwag kayong matakot, sapagka’t nasa kalagayan ba ako ng Dios? — ( Genesis 50:19 )

    Ngayon kaninong diwa itong pagpaparangal sa tao!

    “Sa aba ninyong mga Fariseo! sapagka’t inyong iniibig ang mga pangulong upuan sa mga sinagoga, at ang mga pagpupugay sa mga pamilihan. — (Lucas 11:43)

    Ito pala ay diwa ng mga fariseo !!

    Bakit ?

    “Sapagka’t iniibig nila ng higit ang kaluwalhatian sa mga tao kay sa kaluwalhatian sa Dios. — ( Juan 12:43 )

    —–

    👉 Naghangad ba ang mga tunay na mga banal ng pagpaparangal sa mga tao :

    Ito ang sabi nila :

    “”Huwag sa AMIN,oh Panginoon ,huwag sa AMIN ,kundi sa iyong pangalan ay magbigay kang karangalan ,dahil sa iyong kagandahang -loob at dahil sa iyong katotohanan.— (Mga Awit 115:1)

    ” Iyo ,Oh Panginoon ang KADAKILAAN ,at ang KAPANGYARIHAN ,at ang KALUWALHATIAN ,at ang PAGTATAGUMPAY ,at ang KARANGALAN :sapagkat lahat na nangasa langit at nangasa lupa ay iyo :iyo ang kaharian ,Oh panginoon ,ikaw ay nataas na pangulo ng lahat–(1Cronica .29:11)

    ——-

    👉 Ngayon pumapayag ba ang mga Apostol ng ating Panginoong Hesu Kristo na sila ay luhuran at sambahin:

    “At nangyari ,na pagpasok ni Pedro ,ay sinalubong siya ni Cornelio at nagpatirapa sa kanyang paanan ,at siya ‘y SINAMBA .datapuwat itinindig siya ni pedro ,na sinabi ,magtindig ka,ako man ay tao rin.— ( Mga Gawa 10:25-26 )

    Hindi nagpaluhod o nag pasamba ang mga banal na Apostol ni Hesus.

    Si Apostol Pedro ay itinindig si Cornelio ng ito ay magpatirapa sa harap niya at siya ay sinamba .

    ——

    👉 Maging si Apostol Pablo at si Bernabe ay hindi pumayag na sila ay sambahin:

    “At tinawag nilang Jupiter ,si Bernabe ;at Mercurio si Pablo sapagkat siya ang Pangulong tagapagsalita.At ang saserdote ni jupiter na ang kaniyang templo ay nasa harap ng bayan ,ay nagdala ng mga baka ‘t mga putong na bulaklak sa mga pintuang -daan ,at ibig maghaing kasama ng mga karamihan .Datapuwat nang marinig ito ng mga apostol ,na si Bernabe at si Pablo ,ay hinapak nila ang kanilang mga damit ,at nagsipagtakbo sa gitna ng karamihan ,na nagsisigaw At nagsisipagsabi,Mga ginoo,bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito?kami ‘y mga tao ring may karamdaman gaya ninyo ,at nangagdadala ng mabubuting balita sa inyo ,upang mula sa mga bagay na itong walang kabuluhan ay magsibalik kayo sa Dios na buhay na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat ,at ng lahat ng nasa mga yaon.– ( Mga Gawa 14:12-15 )

    ——–

    👉 Ang mga Banal na anghel ng Diyos hindi rin pumapayag na sila ay sambahin :

    “At akoy si Juan ,ako ang nakarinig ngmga bagay na ito .At ng aking marinig at makita ay nagpatirapa ako upang sumamba sa anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.At sinabi niya sa akin Ingatan mong huwag gawin iyan:ako ‘y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta ,at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito sumamba ka sa Dios.—- (Apocalipsis 22:8-9 )

    ” At ako’y nagpatirapa sa kaniyang paanan (Anghel ) upang siya’y aking sambahin. At sinasabi niya sa akin, Ingatan mong huwag gawin iyan: ako’y kapuwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mayroong patotoo ni Jesus: sumamba ka sa Dios: sapagka’t ang patotoo ni Jesus ay siyang espiritu ng hula. — ( Apocalipsis 19:10 )

    ——-

    “Sa halaga kayoy binili;HUWAG kayong maging ALIPIN ng mga tao.—(1 Corinto 7:23 )

    ——-

    “Huwag ninyong ILAGAK ang inyong tiwala sa mga pangulo ,ni sa anak man ng tao ,na walang pagsaklolo.— (Mga Awit 146:3)

    ——

    “Ganito ang sabi ng Panginoon SUMPAIN ang tao na tumitiwala sa Tao ,ginagawang laman ang kanilang bisig ,at ang puso ay humihiwalay sa Panginoon.— (Jeremias 17:5)

    ——-

    “Huwag ninyong parangalan ang pagkatao ng makapangyarihan.— (Leviticu 19:15)

    ——

    “Layuan ninyo ang tao, na ang hinga ay nasa kaniyang mga butas ng ilong: sapagka’t sa ano pahahalagahan siya? —- ( Isaias 2:22 )

    ——–

    “…Huwag kayong matatakot sa mukha ng tao; sapagka’t ang kahatulan ay sa Dios…”–
    ( Deuteronomio 1:17 )

    ——-

    👉 Ang pagsamba sa lmahen ng tao ay gawain ng mga pagano :

    “Si Nabucodonosor na hari ay gumawa ng isang larawang ginto na ang taas ay anim na pung siko, at ang luwang niyao’y anim na siko: kaniyang itinayo sa kapatagan ng Dura, sa lalawigan ng Babilonia. Nang magkagayo’y nagsugo si Nabucodonosor na hari upang pisanin ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno, at ang lahat na pinuno sa mga lalawigan upang magsiparoon sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari. Nang magkagayo’y ang mga satrapa, ang mga kinatawan, at ang mga gobernador, ang mga hukom, ang mga tagaingat-yaman, ang mga kasangguni, ang mga pinuno at lahat ng pinuno sa mga lalawigan, ay nagpisan sa pagtatalaga ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor na hari; at sila’y nagsitayo sa harap ng larawan na itinayo ni Nabucodonosor. 4Nang magkagayo’y ang tagapagtanyag ay sumigaw ng malakas, Sa inyo’y iniuutos, Oh mga bayan, mga bansa, at mga wika, Na sa anomang oras na inyong marinig ang tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, kayo’y mangagpatirapa at magsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari;At sinoman na hindi magpatirapa at sumamba sa oras na yaon ay ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas.Kaya’t sa oras na yaon, pagkarinig ng buong bayan ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, at ng lahat na sarisaring panugtog, lahat na bayan, mga bansa, at mga wika, ay nangagpatirapa at nagsisamba sa larawang ginto na itinayo ni Nabucodonosor na hari.– ( Daniel 3:1-7 )

    👉 At pagluhod sa imahen ng tao ay hindi ginagawa ng mga lingkod ng Diyos:

    “Dahil dito sa oras na yaon ay nagsilapit ang ilang taga Caldea, at nagsumbong laban sa mga Judio. Sila’y nagsisagot, at nangagsabi kay Nabucodonosor na hari, Oh hari, mabuhay ka magpakailan man. Ikaw, Oh hari, nagpasiya, na bawa’t tao na makarinig ng tunog ng korneta, ng plauta, ng alpa, ng sambuko, ng salterio, ng gaita, at ng lahat na sarisaring panugtog, ay magpapatirapa, at sasamba sa larawang ginto. At sinomang hindi magpatirapa at sumamba, ihahagis sa gitna ng mabangis na hurnong nagniningas. May ilang Judio na iyong inihalal sa mga gawain sa lalawigan ng Babilonia na si Sadrach, si Mesach, at si Abed-nego; ang mga lalaking ito, Oh hari, ay hindi ka pinakundanganan: sila’y hindi nangaglilingkod sa iyong mga dios, ni nagsisisamba man sa larawang ginto na iyong itinayo.– ( Daniel 3:8-12)

    Like

  9. 👉 Ang mga Apparation ng huwad na Maria sa mga catholic vissionary ay isang anyo ng pakikipagsangunian sa masamang espiritu at ang mga vissionary niya ay makikinig sa mga espiritung mapanghikayat ?

    At kaniyang pinaraan ang kaniyang anak sa apoy, at nagpamahiin, at nagsanay ng panghuhula, AT NAKIPAGSANGGUNIAN SA MASAMANG ESPIRITU, at sa mga mahiko: siya’y gumawa ng maraming kasamaan sa paningin ng Panginoon, upang mungkahiin niya siya sa galit. — ( 2 Mga Hari 21:6 )

    ——

    👉 “Nguni’t hayag na sinasabi ng Espiritu, na sa mga huling panahon ang iba’y magsisitalikod sa pananampalataya, AT MANGAKIKINIG SA MGA ESPIRITUNG MAPANGHIKAYAT at sa mga aral ng mga demonio, — ( 1 Timoteo 4:1 )

    ———

    👉 “Siya, na ang kaniyang pagparito ay ayon sa paggawa ni Satanas na may buong kapangyarihan at mga tanda at mga kahangahangang kasinungalingan, At may buong daya ng kalikuan sa nangapapahamak; sapagka’t hindi nila tinanggap ang pagibig sa katotohanan, upang sila’y mangaligtas.–
    ( 2 Tesalonica 2:9 -10 )

    Like

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started